2 patay sa landslide

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Dalawa-katao ang nasawi habang isa pa ang malubhang nasugatan mata­pos matabunan ng lupa kama­kalawa sa Barangay Tiblac, sa bayan ng Ambaguio, Nueva Vizcaya.

Nakilala ang dalawa na sina Jayson Lindawan, 7 at Augus­to William, 20; ng Ba­rangay Labang, Ambaguio habang ginagamot naman sa Veterans Regional Hospital si Danny Aginnaw, 25.

Napag-alamang naglala­kad ang tatlong biktima ka­sama si Miller Sinakey nang biglang gumuho ang lupa sa taas ng bundok.

Kaagad naman tumakbo si Sinakey subalit sa bilis ng pangyayari ay dalawa lamang sila ng kanyang kasamahan ang hindi naabutan ng lupa habang ang tatlong biktima ay naabutan ng pagguho.

Agad naman na hinukay ng mga nagtulung-tulong na residente ang mga biktima su­balit binawian na nang buhay ang dalawa sa mga ito.

Karamihan sa mga resi­dente ang napipilitang mag­la­kad upang marating ang ba­yan ng Bayombong para ma­ibaba ang kanilang mga pro­dukto matapos mawasak ang kanilang kalsada dahil sa nakaraang bagyong Emong.

Habang sinusulat ang balitang ito ay nananatiling sarado pa rin ang daan sa mga motorista patungo sa nasabing bayan. - Victor Martin


Show comments