^

Probinsiya

Ilang opisyal ng LGUs sangkot... Illegal logging sa Cordillera lumalala

-

BONTOC, Mt. Province, Philippines – Nagpasaklolo ang pamunuan ng Provincial Peace and Order Council (PPOC) sa national government  ma­ka­­ra­ang maging inutil ang mga lokal na ahen­sya ng pamahalaan laban sa operasyon ng illegal logging at pag­kawasak ng kabundu­kan.

Nananawagan si Governor Maximo Dalog Sr. na suportahan nina Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Lito Atienza, Department of Interior of Local Governments (DILG) Secretary Ronaldo Puno at ng Cordillera Police Regional Office ang ka­ nilang kampanya para pigilin ang pagkaubos ng mga punongkahoy na na­giging sanhi ng landslide sa nasabing lala­wigan.

“Kahit may mga checkpoint na inilatag ang mga kinauukulang ahen­ sya para protekta­han ang kagubatan ay patuloy pa rin ang ope­rasyon ng illegal logging sa bayan ng Paracelis at Upper Bauko kung saan nakakalbo na ang kagu­batan,” pahayag ng go­bernador

Sa ulat ng Peace and Order Council, lumilitaw na patuloy na nakapag­pupuslit ng tone-tone­ladang narra lumber ang sindikato mula Paracelis patungong bayan ng Roxas at Sabela.

Napag-alamang may kahirapang arestuhin ng pulisya na nagbabantay sa mga checkpoint ang mga illegal logger dahil sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan ang sang­kot.

Nabatid na disma­ ya­do ang mga representative ng Asian Development Bank na bumisita kamakalawa sa Upper Bauko dahil sa pagkawa­sak ng ka­bun­dukan.

Hiniling din ng PPOC sa Department of Interior of Local Government (DILG)  na imbestigahan ang ilang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Pa­ racelis na sangkot sa illegal logging. (Artemio A. Dumlao)

ARTEMIO A

ASIAN DEVELOPMENT BANK

CORDILLERA POLICE REGIONAL OFFICE

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

DEPARTMENT OF INTERIOR OF LOCAL GOVERNMENT

DEPARTMENT OF INTERIOR OF LOCAL GOVERNMENTS

GOVERNOR MAXIMO DALOG SR.

SHY

UPPER BAUKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with