^

Probinsiya

Raider sa plantasyon ni Piñol nadakip

-

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Nadakip ng mga armadong miyembro ng Civilian Volunteers Organization at mga tanod ng Barangay Kanibong sa Tulunan, North Cotabato ang isang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front kahapon ng umaga.

Kinilala ang rebelde na si Akmad Kusa Dada, 29, resi­dente ng Barangay Nua­ngan, Kidapawan City.

Nakuha mula kay Dada ang isang back pack na may lamang fatigue uniform at mga damit na may mga putik na posibleng ginamit niya sa pagtakas sa lugar pagka­tapos nilang lusubin noong Linggo ang mga plantasyon ng saging na pag-aari ni Cotabato Vice-Governor Manny Piñol. Nakuha rin sa kanya ang isang ID na nag­papatunay na siya ay miyem­bro ng MILF.

Sa kabila nito, mariin pa ring pinasinungalingan ni Dada ang mga alegasyon. 

Ayon sa kanya, napunta lang siya sa lugar dahil hina­hanap niya ang kanyang ina na posibleng naligaw nang magkabakbakan sa ba­rangay na ayaw namang pa­niwalaan ng mga CVO at mga sundalo.

Sa ngayon, hawak na ng 57th Infantry Battalion ng Army si Dada, ayon kay Ba­rangay Kanibong Chairman Richard Dado. (Malu Cadelina Manar)


AKMAD KUSA DADA

BARANGAY KANIBONG

BARANGAY NUA

CIVILIAN VOLUNTEERS ORGANIZATION

COTABATO VICE-GOVERNOR MANNY PI

INFANTRY BATTALION

KANIBONG CHAIRMAN RICHARD DADO

KIDAPAWAN CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with