2 tinodas sa peryahan

LINGAYEN, Pangasinan, Philippines —Napaaga ang salubong ni kamatayan sa dalawang sibilyan makaraang ratratin ng mga maskaradong kalalakihan sa bisinidad ng Barangay Poblacion sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan noong Sa­­bado ng hapon. Idineklarang patay sa Medical Centrum sa Dagupan City sina Jose “Jojo” Moulic, Jr., 47, ne­gosyante; at Wilson Abalon, 27. Sa ulat ng pulisya, lumi­litaw na naglalaro ng tong-its ang magkaibigan sa per­yahan nang lapitan at pagbabarilin ng apat na kala­lakihan sakay ng dalawang motorsiklo. Narekober sa pag-iingat ni Moulic ang isang cal.9mm na may magasin na nagla­laman ng 14-bala. Cesar Ramirez

Show comments