Landslide/flashflood: 1 patay, 16 nawawala

MANILA, Philippines – Isang sibilyan ang ini­ulat na nasawi habang 16 iba pa ang nawawala ma­karaan manalanta ang landslide/flashflood sa bayan ng Magallanes at Sorsogon City, Sorsogon dulot ng bagyong “Dante” kahapon ng umaga.

Kinumpirma ni National Disaster Coordinating Council (NDCC) Executive Director Glenn Rabonza  na si Nanette Aramda ng Brgy. Jubo, Magallanes ay nasawi habang apat ang nawawala sa Sorsogon City at 12 naman sa Brgy. Jubo, Magallanes.

Sa phone interview, ayon naman sa hepe ng Civil Defense Region 5 na si Raffy Alejandro, na hindi naman madaanan ang  Juban – Magallanes Road matapos bumigay sa tubig-baha ang tulay at sa highway sa Brgy. Guinlogon-Sorsogon City bunga na­man ng landslide.

Kabilang sa mga bayan na apektado ng landslide/flashflood ay ang mga ba­yan ng Pito Diaz, Gubat, Barcelona, Sta. Magda­lena, Juban, Irosin, Ma­galla­nes, Casiguran at Sorsogon City.

Nasa 10-barangay na­man ang lumubog sa tubig-baha simula pa noong Biyernes ng gabi kabilang ang Rizal at Guinlogon, Bacon District 3 sa Ma­gallanes at Juban. Joy Cantos

Show comments