Bunso tinodas ni kuya

BATANGAS, Philippines – Binaril at napatay ang isang 39-anyos na lalaki ng sarili nitong kapatid matapos magtalo sa hiniram na baril ng huli sa Barangay Ambulong sa Tanauan City, Batangas kamakalawa ng hapon. 

Kinilala ni P/Supt. Willy Atun, ang biktima na si Fer­nando Villanueva habang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Garciano Villa­nueva, 40. Ayon sa police report, hinihingi na ni Fer­nando ang ipinahiram nitong baril sa suspek pero tu­manggi ang huli hanggang sa mauwi sa mainitang pagtatalo at pamamaslang.

Napag-alamang naka­pag­salita pa ang suspek ng mga katagang- “mabuti ng ikaw ang patay kaysa sa ako,” Gayon pa man, naka­takas si Garciano sakay ng kulay pulang pick-up habang na­ka­rekober sa crime scene ng 9 na basyo at 3 slugs ng 9mm. - Arnell Ozaeta


Show comments