5 big-time drug dealer timbog

MANILA, Philippines - Limang pinaghihina­laang big time drug dealer ang nadakip ng pulisya sa isinagawang drug bust operations sa Calamba City kamakalawa ng ha­ pon.

Ayon kay Police Regional Office 4A Director Chief Supt. Perfecto Palad, ang naarestong si Erwin Banzon na matagal nang tinutugis ng Philippine Drug Enforcement Agency ay natukoy na siyang utak sa isang nakawan sa Starmall sa Sta. Cruz, Laguna noong Marso 20.

Kabilang pa sa mga nadakip na suspek sina Matthew Villanueva, Joseph Navarro, Alberto Vi­loan at Kenneth Arlegui.

Nasamsam sa mga sus­pek ang anim na sachet ng shabu, isang carbine, isang cal. 22 revolver, dalawang caliber. 38 pistol na puno ng mga bala, silencer ng cal. 45 pistol, anim na cell­phones at tatlong motor­siklo kabilang ang isang Honda Civic na may pla­kang TNZ 377, at sari-sa­ring uri ng mga barya. (Joy Cantos)

Show comments