RIZAL, Philippines – Dalawa-katao ang iniulat na nasawi matapos na mahagip ng pampasaherong jeepney kahapon ng madaling-araw sa bayan ng Binangonan, Rizal. Nakilala ang mga nasawi na sina Alvin Manangan, 25; at Bernardo Esquivera na kapwa naninirahan sa Villamor Compd. sa Brgy. Pag-asa.
Naaresto naman at nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudent resulting to double homicide ang drayber na si Jim Morong ng Roces Street, Kapalaran Subdivision, Taytay, Rizal.
Nabatid na tumatawid ang mga biktima nang mabangga ng jeepney (NVA-497) na minamaneho ni Morong. Ikinatwiran ni Morong na binusinahan niya ang dalawa at nagtangka pang prumeno, subalit hindi na naiwasan ang trahedya. (Danilo Garcia)