^

Probinsiya

Coed itinanan, 'di kinidnap

-

MANILA, Philippines - Nilinaw kahapon ng pulisya na hindi dinukot ng mga bandidong Abu Say­yaf ang isang 19-anyos na dala­gang estudyante na napa­ulat na kinidnap noong Mi­yerkules sa harapan ng isang snack house sa Jolo, Sulu.

Sinabi ni Sulu Provincial Police Office Chief Sr. Supt. Julasirim Kasim na hindi isang kaso ng kidnapping for ransom ang pagkakadukot sa estudyanteng si Fatima Aming.

Nauna rito, nabulabog ang Sulu sa napaulat na pagdukot ng mga bandido kay Aming na residente ng Brgy. Suwah Suwah, Pati­kul, Sulu.

Nakatayo sa harapan ng Love Life Snack House sa Brgy. Walled City, Jolo ang bik­tima na bumibili ng pizza nang dukutin ng armadong suspek.

Ang biktima ay isinakay umano sa motorsiklong walang plaka ng sinasabing kidnapper na si Jainal Sa­lahuddin, residente ng Brgy. Tanjung, Indanan, Sulu.

Pero sinabi ni Kasim na lumitaw sa imbestigasyon na nobyo ni Aming si Sala­huddin at nagtanan ang magkasintahan. 

Sinabi ni Kasim na, sa imbestigasyon ng Jolo Police, lumitaw na hindi kayang magbigay ng P200,000 dowry ang pamilya ng lalaki sa kaniyang nobya at sa kabila umano ng may nama­gitan na sa dalawa ay hindi pa rin pumayag ang pamilya ng dalaga sa tawad na P70,000 ng pamilya ng la­lake.

Dahil dito, nagpasya ang magkasintahan na magta­nan. (Joy Cantos)

ABU SAY

BRGY

FATIMA AMING

JAINAL SA

JOLO

JOLO POLICE

JOY CANTOS

JULASIRIM KASIM

KASIM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with