^

Probinsiya

Comelec official itinumba

-

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Ka­rit ni kamatayan ang naging kabayaran ng isang Comelec official maka­raang pagbabarilin ng da­lawang maskaradong ka­lalakihan sa highway ng bayan ng M’Lang, North Cotabato kahapon.

Kinilala ni SPO4 Albert Claudio, deputy chief ng M’lang PNP, ang biktimang napuruhan sa ulo ay si Francisco Micutuan, Comelec official ng bayan ng Tulunan.

Napag-alamang nag­mo­­motorsiklo si Micutuan pa­ tungo sa kanilang bahay sa bayan ng Matalam nang dikitan at ratratin ng motorcycle-riding assasin sa bi­sinidad ng Barangay Bua­yan sa bayan ng M’lang.

Ayon kay Claudio, si­nun­dan ng mga suspek si Micutuan mula sa bayan ng Tulunan at nang mapadako sa nabanggit na highway na walang motorista, saka isinagawa ang pananam­bang.

Itinuturing si Micutuan ng kanyang mga kasama sa Commission of Elections (Comelec) sa North Cotabato bilang trouble shooter.  

“Itinatapon kasi siya sa mga lugar kung saan may problema kapag panahon ng eleksiyon,” pahayag ng isang opisyal ng Co­melec sa North Cotabato.

Base sa record ng Comelec, na-assign na si Micutuan sa lalawigan ng Lanao del Sur at sa iba pang lugar sa Autonomous Region in Muslim Minda­nao (ARMM) para mag-trouble shoot ng mga pro­blema sa halalan. 

Pinakahuling assignment ni Micutuan bago napatay ay sa bayan ng Pikit na nasa ikalawang distrito ng North Cotabato. 

ALBERT CLAUDIO

AUTONOMOUS REGION

BARANGAY BUA

COMELEC

COMMISSION OF ELECTIONS

FRANCISCO MICUTUAN

MICUTUAN

MUSLIM MINDA

NORTH COTABATO

SHY

TULUNAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with