^

Probinsiya

P22M ari-arian naabo sa Romblon

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna  , Philippines – Tinata­yang aabot sa P22 milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy matapos masunog ang 18-kabahayan noong Biyer­nes Santo ng mada­ling-araw sa Romblon.

Ayon kay P/Senior Supt. Nilo Anzo, Romblon police director, nagmula ang apoy sa panaderya na malapit sa public market sa Barangay 2 Poblacion bandang alas-10:30 ng gabi na tumagal ng hanggang alas-2 ng mada­ling-araw ng Sabado.

Wala namang naiulat na nasawi o nasaktan sa na­sa­bing sunog.

Sa panayam ng PS­Ngayon kay P/Senior Fire Officer 2 Rolly Malay, Rom­blon fire chief, na­isam­pa sa general alarm ang naturang sunog na sumira sa 18 kabahayan.

Batay sa inisyal na im­bestigasyon nina SFO2 Malay, may sumabog na tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) sa Rom­blomanon Bakeshop na pag-aari ni Jerry Victor Barnes.

Ayon naman kay Allen Virtucio, hepe ng office of the Civil Defense (OCD-MI­MA­ROPA (Mindoro, Marindu­que, Romblon, Palawan), nai-relocate na ang 18 pa­milya sa kani-kanilang mga kamag-anak sa pa­ nganga­siwa na rin ng mga tauhan ng Philippine National Red Cross.

Magsasagawa pa ng session ang mga konsehal at executive officials sa Lunes bago makapag­de­klara ng state of calamity sa area at makapag­pa­labas ng calamity fund para sa mga nasalanta ng sunog. Arnell Ozaeta  


vuukle comment

ALLEN VIRTUCIO

ARNELL OZAETA

AYON

CIVIL DEFENSE

JERRY VICTOR BARNES

NILO ANZO

PHILIPPINE NATIONAL RED CROSS

ROLLY MALAY

ROMBLON

SENIOR FIRE OFFICER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with