11 MILF todas sa militar

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Uma­abot sa labing-isang rebeldeng Moro Islamic Liberation Front ang iniulat na napaslang sa panibagong sagupaan laban sa tropa ng militar sa Sitio Pelobdan, Brgy. Upper Dado sa bayan ng Alamada, North Cotabato kamakalawa ng madaling-araw.

Base sa tagapagsalita ng 6th Infantry Division na si Lt. Col. Jonathan Ponce, na­kasagupa ng 9th Scout Ran­gers Company ang tropa ng MILF na sinasabing miyem­bro ng National Guard Command. Subalit itinanggi na­man ng pamunuan ng MILF ang ulat ng Phil. Army. 

Na­pag-alamang napatay na­man si Private First Class Bermejo habang tatlong iba pa ang sugatan sa enkwen­tro. Samantala, ayon sa isang mataas na opisyal ng MILF, karamihan sa mga nasawi sa bakbakan ay mga sibilyan na matagal nang na­ninirahan sa nabanggit na barangay at pilit na itinata­boy ng mga sundalo. (Malu Manar)

Show comments