^

Probinsiya

Lider-militante nilikida

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Isang lider ng mili­tanteng grupo ang iniulat na napaslang habang sugatan naman ang iba pa makaraang pagbabarilin ng ‘di-kilalang lalaki sa bisinidad ng Brgy. Pook sa Sta. Rosa City, Laguna noong Lunes ng umaga. Kinilala ni P/Supt. Rodney Ramirez, hepe ng pulisya, ang napatay na si Sabina Ariola, 51, ng Don Jose, Sta. Rosa City at chairwoman ng Mamamayan ng Sta. Rosa Para Sa Ka­ga­lingan, Kaunlaran, Kapayapaan, Tungo sa Magandang Kinabukasan ng Bayan (MSRK3). Ginagamot naman sa Perpetual Hospital si Adelaida Calosa, 48, na tinamaan ng ligaw na bala. Ayon sa report, lulan ng Isuzu Elf sina Ariola, Calosa at mga miyembro ng MSRK3 para dumalo sa session sa city hall nang ma­ganap ang pananambang. Noong 2004, napatay din si Mely Carvajal, chairwoman ng MSRK3’s sa naturan ding lungsod. Arnell Ozaeta

2 dedo sa motorsiklo

BATAAN, Philippines – Napaaga ang salubong ni ka­matayan laban sa magkaibigang lalaki na pina­niniwalaang wa­lang helmet makaraang sumem­plang ang kanilang mo­torsiklo at nasagasaan ng mga sasakyan sa Roman Super Highway sa Brgy. Laon, Abucay, Bataan kamakalawa. Halos malasog ang katawan nina Jonard Cruz, 53, may-asawa, driver at kaangkas nitong si Elli­seo Rama, 26, kawani ng Universal Weavers at kapwa nakatira sa Esparanza Subdivision, Brgy. Poblacion sa bayan ng Mariveles, Bataan. May teorya ang pulisya na mabuhangin ang nasabing bahagi ng highway kaya naganap ang sakuna bandang alas-4:30 ng ma­daling-araw. Jonie Capalaran

Kawani ng Philpost tinodas

LEGAZPI CTY, Albay, Philippines – Pinagbabaril hang­gang sa mapatay ang isang 34-anyos na kawani ng lokal na Philippine Postal Office ang kanyang kasamahan sa trabaho kamakalawa ng gabi sa Brgy. Tamaoyan, Legazpi City, Albay. Kinilala ni P/Supt. Edgardo Ardales, hepe ng pulisya sa Legazpi City, ang biktima na si Rodolfo Panga­niban Jr. Samantalang tugis na­man ng pulisya ang suspek na si  Joseph Astro, tu­bong Baleno, Masbate. Sa police report, lumitaw na mag­kasamang umiinom ng alak ang dalawa nang mag­talo kaugnay sa kanilang trabaho. Napag-alamang napikon ang suspek kaya niratrat nito ang kaharap na biktima. Ed Casulla

4 preso pumuga

MANILA, Philippines - Apat na preso ang iniulat na nakapuga noong Linggo ng madaling-araw sa naganap na jailbreak sa himpilan ng pulisya sa  Zamboanga City, ayon sa ulat kahapon. Sa ulat ng regional police office, kabi­lang sa mga presong tugis ng pulisya ay sina Nelson Rojas, 37; Christopher Salvador, 26; Ray­mund Santos, 28; saman­talang Ben Saud na kaagad na­mang naaresto. Napag-alamang nilagare ng mga preso ang rehas na bakal sa likurang bahagi ng kulu­ngan saka isinagawa ang pagpuga. Joy Cantos

ADELAIDA CALOSA

ALBAY

ARNELL OZAETA

BRGY

CHRISTOPHER SALVADOR

DON JOSE

ED CASULLA

LEGAZPI CITY

ROSA CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with