Pulis na dinukot natagpuang patay
MANILA, Philippines - Naaagnas na nang ma tagpuan ang bangkay ng dinukot na Medal of Valor Awardee na si PO2 Jamaron Sandag sa isang landfill sa Rodriguez, Rizal.
Ayon kay Philippine National Police Spokesman C/Supt. Nicanor Bartolome, natukoy ang bangkay ni Sandag sa pamamagitan ng dental records nito dahil hindi na maaaring isailalim sa DNA ang bangkay nito.
“Hindi na natin pwede isailalim sa DNA test ang bangkay ni Sandag kase agnas na ito kaya natukoy natin siya sa pamamagitan ng dental records,” ani Bartolome.
Ang bangkay ni Sandag ay may butas sa bungo na palatandaan na binaril ito ng mga suspek.
Bunsod nito’y bumuo ng Task Force Sandag ang PNP at ito ay pamumunuan ni Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region Chief Sr. Supt. Isagani Nerez.
Si Sandag ay dinukot noong Marso ng anim hanggang pitong armadong kalalakihan matapos siyang bihagin sa isang apartelle sa Taguig City at matapos ang 12-oras na hostage rescue ng mga otoridad ay naitakas ng mga suspek ang una.
Nakita ang bangkay ni Sandag noong Marso 16 sa Landfill Road sa Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal. Pinaniniwalaan naman ng may-bahay ni Sandag na si Nina na personal na galit ang motibo sa pagpatay sa bik tima lalo pa at kilala nya ang isa sa mga suspek na si Jamar Jamihim dahil matagal na itong kaalitan ni Sandag at nanambang umano minsan sa kanilang mag-asawa.
“Ang unang motibo na iimbestigahan ng PNP ay ang personal na galit at isusunod natin ang kaug nayan sa trabaho nya (Sandag),” ani pa ni Bartolome.
Ayon pa kay Bartolome, malaki ang panghihinayang ng buong pulisya kay Sandag dahil sa pagiging tapat at matapang na pulis nito. Siya ay dating miyembro ng Special Action Force at nalipat sa Aviation Security Group.
Si Sandag ay naging Medal of Valor Awardee dahil sa kagitingan sa pakikipaglaban sa 100 bandidong Abu Sayyaf at rebeldeng Moro Islamic Liberation Front sa Zamboanga del Norte noong 2003.
- Latest
- Trending