NPA nanunog

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Dahil sa umano’y hindi pagbabayad ng revolutionary tax, sinunog ng New Peoples Army ang boom spray truck ng Sumifru Corporation, isang Japan-owned banana firm, sa Sitio Sambaringan sa Brgy Basak, Magpet kahapon ng umaga.

Ayon kay Magpet Ma­ yor Efren Pinol, apat na ar­madong lalaki ang pu­masok sa plantas­yon at agad na binuhusan ng ga­solina ang spray truck na nag­kaka­ha­laga ng P300,000 at sinila­ban. Ang Herminio Alfonso Command ng NPA ang nag-ooperate sa mga bayan ng Magpet, Arakan, Antipas, at Makilala sa North Cotabato. (Malu Cadelina Manar)

Show comments