^

Probinsiya

Isinama si misis sa 'hukay', Pulis nagpatiwakal

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Bunsod umano ng pag­kawala sa sarili, nag­paka­matay ang isang opis­yal ng pulisya maka­raang aksi­denteng nabaril nito ang kanyang misis sa Davao City kahapon ng ma­daling-araw.

Ang bikti­mang si Melani Sandag Mabalot, 32, ay dead-on-the spot nang aksidenteng mabaril ng kanyang mister na si Police Inspector Edwin Mabalot, 37, habang pinipigilan ng una ang huli sa pagpa­pakamatay nito.      

Inu­umang ng pulis ang baril sa kanyang lalamunan nang tangkain siyang pi­gilan ng kanyang asawa pero pumutok ang baril hanggang matamaan ang babae.     

Naganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-asawa sa Blk 9, Wellspring Highlands, Catalunan Pe­queno, Davao City da­kong alas-3:50 ng madaling-araw.     

Isa sa mga anak ng mag-asawa na si Christine Angel, 10 taong gulang, ang unang nakakita sa du­guang bangkay ng kan­yang ina bago niya na­mataan ang kanyang ama na itinutok ang baril sa bibig nito bago iyon pina­putok.        

Ilang linggo na uma­nong nakikitang tulala si P/Insp. Mabalot kaya binalak ng disarmahan ito ni Davao City Police Chief Sr. Supt. Ramon Apolinario pero huli na ang lahat.   

Ayon pa sa pulisya, posibleng inawat ni Melani ang kanyang asawa ngunit aksidenteng nakalabit nito ang baril at tinamaan ang una sa leeg.

CATALUNAN PE

CHRISTINE ANGEL

DAVAO CITY

DAVAO CITY POLICE CHIEF SR. SUPT

MELANI SANDAG MABALOT

POLICE INSPECTOR EDWIN MABALOT

RAMON APOLINARIO

SHY

WELLSPRING HIGHLANDS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with