^

Probinsiya

Umbagerong ama inutas

-

MANILA, Philippines - Pinagtataga hanggang sa mapatay ang isang 54-anyos na ama ng kanyang anak na lalaki sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Salvacion sa bayan ng Echague, Isabela kamakalawa ng gabi.

Animoy karne ng baboy ang naging katawan ng biktimang si Leonardo Tamani habang pormal naman kakasuhan ang suspek na si Eufrecio Tamani, 19.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente kamakalawa ng gabi sa loob ng tahanan ng mag-ama kung saan lango sa alak ang suspek.

Napag-alamang nagwala ang suspek at pinagtataga ang dingding ng kanilang bahay kaya inawat ng kanyang ama.

Subalit sa halip na tumigil ay pinagbalingan ng suspek ang ama na pagtatagain hanggang sa duguang bumulagta.

Nabatid sa imbestigasyon na kalimitang binubugbog ng ama ang kanyang anak kaya’t nang malasing ay isinagawa ang pamamaslang. (Danilo Garcia)

ANIMOY

BARANGAY SALVACION

CAMP CRAME

DANILO GARCIA

ECHAGUE

EUFRECIO TAMANI

ISABELA

LEONARDO TAMANI

NABATID

NAPAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with