^

Probinsiya

2 holdaper tumba sa shootout

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Nagwakas ang paghahasik ng karahasan ng dalawang kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng robbery-holdup gang makaraang mapatay sa pa­kikipagbarilan sa mga pulis sa bayan ng Biñan, Laguna kamakalawa ng gabi.

Isa sa napatay ay kinilala ni P/Senior Supt. Manolito Labador, Laguna police director, na si Saturnino Gobis ng Zone 3, Calabuso Street, Barangay Sto. Tomas, Biñan.

Samantala, nananatili namang unidentified ang isa pa na napatay ng pulisya.

Ayon sa police report, nagpapatrolya ang mobile car ng pulisya sa bisinidad ng South City Homes nang ma­tiyempuhan nila ang traysikel na nakaparada sa madilim na bahagi ng Blessed Sacrament Street bandang alas-11:45 ng gabi.

Tinangka naman siyasa­tin ng pulisya ang traysikel, subalit bigla na lang pinaha­rurot ng dalawa hanggang sa magkaroon ng ilang minu­tong habulan.

Habang naghahabulan, pinaputukan ng mga suspek ang mga pulis hanggang sa nagkaputukan na ikinamatay ng dalawa  habang nakata­kas naman ang drayber ng traysikel.

Narekober mula sa crime scene ang 7-basyo ng caliber 45 pistol, isang colt 45 pistol, balisong at mga sketch ng dalawang subdivision na tinangkang pasukin ng mga suspek. (Arnell Ozaeta at Ed Amoroso)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

AYON

BARANGAY STO

BLESSED SACRAMENT STREET

CALABUSO STREET

ED AMOROSO

MANOLITO LABADOR

SATURNINO GOBIS

SENIOR SUPT

SOUTH CITY HOMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with