Sanggol dedo sa sakal ng lola

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang sang­gol na lalaki makaraang sakalin at paluin ng kan­yang lola na animoy’ sina­pian ng masamang espiritu saka isinilid sa bag sa Da­gupan City, Pangasinan, ayon sa ulat kahapon.

Sa phone interview, ki­numpirma kahapon ni P/Supt. Mariano Luis Ver­zosa, hepe ng pulisya, ang pag-aresto sa suspek  na si Josephine Patalinhug, 52, ng Guilig Street sa na­banggit na lungsod.

Ang suspek ay dinakip matapos madiskubre ang bangkay ng kanyang apo na itinago sa pangalang Baby Junjun na isinilid sa bag at binitbit nito habang nagpapalabuy-laboy sa kanilang lugar noong Mi­yer­kules ng Marso 11. 

Ayon sa imbestigasyon, ang suspek ay lumayas sa kanilang bahay noong Marso 10  dala ang sang­ gol matapos iiwan ng kan­yang inang si Josefa, na nagtatrabaho bilang clinical instructor.

Napag-alamang nairita ang suspek  sa pag-iyak ng sanggol na dalawang bu­wang gulang kaya pinag­papalo ito at sinakal hang­gang sa ma­matay.

Nalaman na lamang na ang laman ng dala nitong bag ay ang patay na sang­gol, matapos din itong umuwi sa kanilang bahay.

Sa police report, iki­nat­wi­ran ng mga kamag-anak na may diprensya sa pag-iisip ang suspek ha­ bang ayaw naman itong ka­suhan ng anak na si Jo­sefa.

“Puwedeng alibi lang ‘yun , we are still waiting for the result of the medical exam­inations of the sus­pek, pahayag ni Verzosa kung saan sinampahan na ng kasong kriminal ang matanda. 

Show comments