4 dakma sa karnap na dyip

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija , Philippines   – Rehas na bakal ang binagsakan ng apat na kalalakihan na sinasabing mga karnaper makaraang makumpiskahan ng nakaw na owner-type jeep sa bisinidad ng Cabanatuan City, Nueva Ecija kamakalawa.

Ayon kay P/Senior Supt. Ricardo Marquez, provincial police director, kabilang sa mga suspek na kinasuhan ay sina Jaime Villanueva, Jorge Nera, Gino Ferrer at si Joel Castro na pawang na­­ni­nirahan sa Barangay Bantug Norte at Barangay Burgos, sa bayan ng Sta. Rosa.

Lumilitaw sa beri­pi­kas­yon ng pulisya, ang nasabing karnap na sasakyang may plakang DKC-651 ay pag-aari ni Joseph Echipera. (Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments