Sinalakay ng pirata

MANILA, Philippines - Tatlong mangingisda ang nasawi habang dalawa pa ang tinangay ng mga pirata matapos salakayin ang kanilang bangkang pangisda sa may bisinidad ng Languil Island sa Basilan, batay sa ulat kahapon.

Nangingisda ang mga tripulante ng bangka nang dumating ang mga pirata at agad silang pinaputukan.

Nang makita na may dalawa pang buhay, tinangay sila ng mga pirata. (Danilo Garcia)

Show comments