3 high profile criminal pumuga

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Nakatakas ang tatlong itinuturing na high-profile criminals matapos nilang lagariin ang likurang ba­hagi ng Amas Provincial Jail sa Amas sa Kidapawan City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni OIC provincial jail warden Red Ma­ rasigan ang mga naka­takas na sina Muhalidin Sulaik Hassan na sang­kot sa KMCC Mall bombing sa Kidapawan City noong Nov 22, 2007; Sa­lahudin Limpangan na sangkot sa kidnapping; at Khaddafy Sagandingan na may kasong carnapping.

Nangyari ang jail break sa kasagsagan ng mga pambobomba sa central Mindanao at sa pinaigting na opensiba ng Army laban sa grupo ni MILF Commander Ameril Umbra Kato, lider ng mga arma­dong grupo na umatake sa mga bayan ng Banisilan, Alamada, Aleosan, at Pikit sa North Cotabato na nag­resulta sa paglikas ng libu-libong mga indibidwal. (Malu Cadelina Manar)

Show comments