^

Probinsiya

96 colorum kinumpiska

-

KIDAPAWAN CITY – Umaabot sa 96 na sasakyan na sinasabing colorum ang naka-impound ngayon ma­tapos magsagawa ng Oplan Bitag Sasakyan ang mga tauhan ng PNP at Presidential Anti-Colorum Task Force (PACTAF) kamakalawa sa bayan ng Matalam, North Cotabato.

Ayon sa ulat, karamihan sa mga na-impound na sa­sakyan ay mga traysikel na bumi­ bi­yahe sa kahabaan ng highway at ilang bahagi ng Ma­talam ka­hit walang prang­kisa. Kabilang sa inimpound ay ilang motor­siklo na walang kaukulang papeles o kaya ay expired ang lisensiya ng mga drayber. 

Karamihan sa mga may-ari ng sasakyan ay umalma sa ope­rasyon ng PACTAF at sinabing masyadong mala­king halaga ang ibabayad bilang multa.

Ipinaliwanag naman ng hepe ang PACTAF-North Co­tabato na ni Diego Samal, na walang sasantuhin ang kan­yang mga tauhan kapag lu­ma­bag sa ilalim ng batas-tra­piko, kahit pa ang ilan sa ka­nila ay mga pulis, sundalo, LTO personnel, at mga ka­anak o kaya tauhan ng mga pulitiko. Malu Manar

AYON

DIEGO SAMAL

IPINALIWANAG

MALU MANAR

NORTH CO

NORTH COTABATO

OPLAN BITAG SASAKYAN

PRESIDENTIAL ANTI-COLORUM TASK FORCE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with