Rapist ng anak timbog

NUEVA ECIJA, Philippines – Dinakip ng pulisya ang isang 48-anyos na mister makaraang ireklamo ng panghahalay sa kanyang anak-anakang 16-anyos na babae sa Barangay Rio Chico, sa bayan ng General Tinio, Nueva Ecija noong Sabado ng hapon. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Alberto Acosta, tubong Cabanatuan City. Naunang naipaabot ang reklamo ng biktimang 3rd year hayskul kay Barangay Chairman Roy Bulacan matapos makatakas ang dalagita sa kanilang tahanan. Kaagad naman pinakilos ng kabesa ang kanyang mga bantay-bayan at inaresto ang suspek sa tinutuluyang bahay nito. Christian Ryan Sta. Ana

Show comments