Kabesa na naman itinumba
KIDAPAWAN CITY — Isa na namang barangay chairman ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga armadong kalalakihan noong Miyerkules ng madaling-araw sa panibagong karahasang naganap sa bahagi ng Purok Malipayon sa bayan ng Esperanza, Sultan Kudarat.
Napuruhan sa ulo ng bala ang biktima na si Benito Agoy ng Brgy. Pamantingan.
Ayon kay P/Supt. Benhur Mongao, provincial director ng Sultan Kudarat PNP, Sakay ng motorsiklo ang biktima kasama ang kanyang misis nang dikitan at barilin ng isa sa dalawang nakamotorsiklong lalaki.
Si Agoy ang ikalawang kapitan ng barangay na binaril at napatay nitong linggo sa Sultan Kudarat kung saan naunang pinaslang sa Tacurong City si Rhuds Guimal ng Barangay Pidtigian. (Malu Manar)
- Latest
- Trending