Jailbreak dahil sa computer

NUEVA ECIJA – Nalalagay sa balag ng alanganing masibak sa tungkulin ang isang sarhento ng pulisya ma­ka­raang matakasan ng preso noong Sabado sa ba­yan ng Sto. Domingo, Nueva Ecija.

Tugis na ng pulisya ang naka­takas na si Gomer de Leon, 26, ng Barangay Malayantoc at may kasong murder. Sa imbestigasyon, lumilitaw na nakiusap si Gomer sa guwardiyang si SPO1 Aznar Tabigne na pupunta sa palikuran ng himpilan ng pulisya dahil sa walang banyo sa loob ng kulungan.

Si SPO1 Tabigne na sinasabing abala sa pagda-download ng mensahe sa computer ay pinag­bigyan ang pakiusap ng Gomer.

Subalit nang ma­ka­lingat si SPO1 Tabigne ay sinalisihan naman ni Gomer na dumaan sa kusina saka tumakas palabas ng pre­sinto. (Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments