Staff ng Bombo Radyo dinedo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Pinaniniwalaang matinding selos ang isa sa motibo kaya pinagsasaksak at napatay ang isang inhinyerong chief technician ng Bombo Radyo kamakalawa ng madaling-araw ng isang barangay tanod sa Barangay Ugac Norte sa Tuguegarao City, Cagayan. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Leonard Camero, 34, ng Barangay Ugak, habang na­aresto naman ang suspek si Antonio Santo Tomas Jr., 33.

Ayon kay P03 Joseph Curugan, lumilitaw na papauwi na ang biktima nang harangin at saksakin ng suspek. 

Nagawa pang tumakbo ng biktima sa pinakamalapit na ospital subalit namatay rin dahil sa mga tama ng saksak sa katawan. (Victor Martin)

Show comments