^

Probinsiya

Mag-ama pinalaya ng kidnaper

-

Pinaniniwalaang nagbayad ng malaking halaga kaya pinalaya ang mag-amang dinukot ng mga armadong kalalakihan kamakalawa ng gabi sa bayan ng Talayan, Maguindanao.

Ayon sa ulat ng Army’s 6th Infantry Division na pinamumunuan ni Major Gen. Alfedo Cayton, kinilala ang mag-ama na sina Wilson Tan, 50, hardware owner sa Cotabato City at anak nitong si Jennifer Tan, 10. 

Sa pahayag naman ni P/Senior Supt. Willie Da­ ngane, ang mag-ama ay inabandona ng Pentagon-kidnap-for-ransom gang sa pamumuno ni Commander Zaynudin Nashrudin sa bisi­ni­dad ng Brgy. Brar.

Sa ulat ng regional spokesman ng Army na si Col. Jonathan Ponce, maaaring na-pressure ang mga kidnaper dahil sa dami ng puwersa ng militar at pulisya na tumu­tugis sa mga ito kaya napilitang abandonahin ang mag-ama.

Ma­gu­gunita na ang mag-amang Tan ay kinidnap habang lulan ng kulay abong Mazda van (MVR 879) sa Don Sero Street, Rosary Heights, Cotabato City noong Martes ng gabi (Peb. 17). (Joy Cantos)

vuukle comment

ALFEDO CAYTON

COMMANDER ZAYNUDIN NASHRUDIN

COTABATO CITY

DON SERO STREET

INFANTRY DIVISION

JENNIFER TAN

JONATHAN PONCE

JOY CANTOS

MAJOR GEN

ROSARY HEIGHTS

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with