Parolado tiklo sa buy-bust

ORMOC CITY, Leyte – Balik-selda na naman ang isang 59-anyos na parolado makaraang madakip ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa panu­lukan ng Melbourne at Madrid Street sa Brgy. Doña Feliza Mejia, noong Linggo.

Pormal na kinasuhan ni P/Insp. Rio Tan, hepe ng Regional Anti Illegal Drugs Special Operations Task Force (RAID-SOFT), ang suspek na si Oscar Gulhoran y Cabibi ng Brgy. Tambuliliud.

Napag-ala­mang si Gulhoran na nabigyan ng parole noong Marso 2007 sa Muntinlupa penitentiary matapos ang 26 taong pag­kakalong sa kasong murder.

Ayon kay Tan, dalawa sa mga kapatid ng suspek ay kasalukuyang nakapiit, sa Abu­yog Penal Colony, at BJMP sa Ormoc City, dahil din sa pag­tutulak ng droga.

Nakum­piska sa suspek ang isang motorsiklo (HH-4918), pakete ng shabu, P11,730, P500 marked money na ginamit sa operasyon, baril at iba pang personal na gamit. (Roberto C. Dejon)

Show comments