NPA umamin sa ambush
MANILA, Philippines - Inamin ng tagapagsalita ng Magtanggol Roque Command ng Front 51 ng New People’s Army na si Ricardo Fermiza na sila ang tumambang at nakapatay sa hepe ng pulisya ng Bansalan, Davao del Sur, sa dalawa nitong tau han at sa isa pang barangay tanod noong Pebrero 2.
Nilinaw naman ni Fermiza sa isang pahayag na hindi ba wal sa Geneva Convention ang command-detonated explosive na ginamit nila sa pananambang sa mga biktimang sina Sr. Insp. Emliex Mabalot, hepe ng Bansalan Police; PO3 Roel Salces, PO2 Luis Bernie Humol, at kay Rudy dela Paz, tanod ng Barangay Managa, Bansalan sa Sitio Tower sa Managa rin.
Sa hiwalay na ulat, nadakip ng pulisya ang dalawang lider ng New People’s Army sa Barangay Bata, Bacolod City, Negros Occidental kamakalawa.
Kinilala ang mga ito na sina Rogelio Danosoldo, kalihim ng Northern Negros Front Committee, at Roberto Espinosa, squad leader ng Squad 1, Platoon 1 ng Kilusang Larangan ng Hilagang Negros. (Malu Cadelina Manar at Joy Cantos)
- Latest
- Trending