Pinugutan dahil sa panliligaw

BULACAN, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 46-anyos na magsa­saka na sinasabing umak­yat ng ligaw sa isang da­la­ga ma­karaang pagtulu­ngan pugutan ng mag-ama sa Barangay Pulong Sam­paloc sa bayan ng Doña Re­medios Trinidad, Bula­can.

Nakilala ang biktima na si Pastor Flores Jr, mag­sasaka at residente ng Ba­rangay Sta. Lucia, Angat, Bulacan, habang naaresto naman ang mag-amang suspek na sina Monico Basay y Andra­les, 48; at anak nitong si Jessie Ba­say, 26, kapwa residente ng Sitio Maibay sa nabang­git na barangay.

Sa ulat ni P/Senior Insp. Lorenzo Paynor, lumilitaw na bumisita si Pastor sa ba­hay ng mag-amang suspek na may bitbit na bote ng alak at pulutan para maki­pagku­wentuhan.

Palibhasa’y pawang mag­sasaka at magkaka­kilala ay agad na nagpaun­lak ang mag-ama.

Sa kasagsagan ng inu­man ng alak at kantahan ay inungkat ni Pastor sa ma­tan­dang Basay ang kagus­tuhan nitong ligawan ang nag-iisang anak na ba­baeng si Manilyn Basay, na naging biyuda sa edad na 21-anyos.

Dahil sa matanda na ang biktima at may-asawa pa ay hindi pumayag si Manilyn na paligaw kaya humantong sa pagtatalo dahil sa walang ginawa ang mag-ama na hi­mukin ang nililigawan.

Kasunod nito, tinang­kang bunutin ng biktima ang itak sa kanyang bay­wang subalit pinalo siya ng gitara ni Jessie kaya bumu­lagta dahil na rin sa kala­singan sa alak.

Sinamantala naman ng matandang Basay na ma­kuha ang itak sa loob ng ka­nilang bahay hanggang sa maganap ang malagim na krimen.

Sa follow-iup operation ng pulisya, naaresto na­man ang mag-amang sus­pek par­tikular na ang du­guang itak at gitara na ginamit sa pa­mamaslang.

Show comments