Dentista pinabulagta

BULACAN — Malawakang imbestigasyon ang isi­na­sagawa ng pulisya sa naganap na pamamaslang sa isang dentista na natagpuang tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa loob ng kanyang tahanan noong Linggo ng umaga sa Barangay Poblacion sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan. Sa ulat ni PO1 Adrian Nolasco kay P/Supt. Marcos Rivero, bandang alas-8 ng umaga nang madiskubre ni Richard Nieva, ang duguang bangkay ni Dr. Enrique Perez, 42.

Ayon sa pulisya, kakilala ng biktima ang suspek dahil may ilang testigo na magkasama ang dalawa sa isang bar sa Pasig City bago tuluyang umuwi sakay ng Ford Expedition (XKC 432).

Ayon kay Rivero, posibleng personal na alitan ang isa sa motibo ng krimen sapagkat hindi nagalaw ang mga kasangkapan at pera ng biktima maliban sa cell phone na nawawala. (Dino Balabo)

Show comments