CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Isang 28-anyos na magsasaka na sinasabing tiktik ng PNP at AFP ang iniulat na kinidnap saka pinatay ng mga rebeldeng New People’s Army kamakalawa ng umaga sa Purok 4, Barangay Binawangan sa bayan ng Capalonga, Camarines Norte.
Bandang alas-7:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ni Ricky Flordeliz ng Purok 5 ng nabanggit na barangay.
Base sa police report, itinaong papalabas ng bahay ang biktima nang harangin at bitbit ng mga armadong kalalakihan patungo sa direksyon ng Brgy. Del Pilar. (Ed Casulla)