4 todas sa Friday the 13th massacre

MANILA, Philippines - Kahapon ng umaga, Biyernes, ika-13 ng Peb­rero, apat na tao ang na­sawi nang pagbabarilin ng mga armadong salarin sa Barangay Namisaan, Paniqui, Tarlac.

Kinilala ang mga na­sawi na sina John Martin; Raymundo Bautista, ka­ pitbahay ng mag-asa­wang Martin; Marlon Bautista, helper at kama­g­anak na si Graciano Mi­guel, 79 taong gulang.

Kasalukuyan namang nasa kritikal na kondis­yon sa isang pagamutan si Markquin Martin, 18 anyos.

Bandang alas–6:00 ng umaga nang kumatok ang anim na mga arma­dong kalalakihan na nag­pakilalang mga pulis sa bahay ni John, 29 anyos.

Nang hanapan ng do­kumento ng pamilya ni Martin ay agad ang mga itong inumangan at tinu­tukan ng baril ng mga sus­pek kung saan ang mga babae ay kinalad­kad sa loob ng kuwarto at itinali.

Nagawa namang ma­kalag ni Michelle ang pagkakatali sa kaniya ng mga suspect at nang lumabas ito ng kuwarto ay nakita niya ang du­guang katawan ng asa­wa sa may salas at wala nang buhay. (Joy Cantos)

Show comments