PDEA agent at anak itinumba

CANDON CITY, Ilo­cos Sur, Philippines – Isang ahente ng Philippine Drug En­forcement Agency at isa niyang anak na lala­ke ang pinagbabaril hang­gang mapatay ng mga hindi pa nakikila­lang salarin kamaka­lawa ng gabi sa lunsod na ito.       

Ayon kay Benzon Abaco, hepe ng PDEA-Ilocos Sur, kilala ang biktimang si Edward Gautani bilang masu­gid na tagasugpo ng sang­kot sa mga bawal na gamot.         

“Sigurado akong may kinalaman sa kan­yang trabaho ang pag­kakapatay sa kanya at sa kanyang anak. Isa siya sa magagaling kong ahente,” sabi pa ni Abaco.       

Lumilitaw sa pangu­nang pagsisiyasat na patungo sa isang vi­deoke bar sa Barangay Darapidap ang mag-ama nang pagbabarilin sila ng mga salarin. Gagradweyt na sana sa high school ang anak ni Gautani na si Edward Jr. nang mapatay ito. (Teddy Molina)

Show comments