^

Probinsiya

Kinidnap dahil sa relihiyon

-

MANILA, Philippines - Alitan sa relihiyon ang sinasabing isa sa pangu­nahing motibo sa pagdukot sa isang 39-anyos na misis noong Lunes ng gabi sa bisinidad ng Barangay La­bangon, Cebu City, Cebu.

Sa regional police report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Judith Jastiva, 39, isang reflexologist.

“Jastiva was kidnapped, the initial motive is religious conflict . He doesn’t believe it is a kidnap for ransom case,” pahayag ni P/Senior Supt. Patrocinio Comenda­dor, Jr., Cebu City police director.

Nabatid na ang grupo ng relihiyon na sinasabi ni Leonardo ay kumalas sa kanilang relihiyon noong 1951 at nagtayo ng reform group.

Base sa police report, naganap ang insidente matapos na harangin ang motorsiklo kung saan ka­angkas ang biktima at asawa nitong si Leonardo Biljod Jastiva Sr., 42, ng Brgy. San Isidro, Talisay City, Cebu.

Umabot sa 30-minuto bago makahingi ng tulong si Leonardo sa isang mo­torista at naipagbigay-alam sa pulisya.

Napag-alamang si Leo­nardo ay naitalaga sa Cebu noong 1996 bilang lider mula sa Dipolog City at naging nationwide president ng International Mis­sionary Society of Seventh Day Adventist Church Reform Movement.

Walang nagawa si Leo­nardo matapos tutukan ng baril ng mga suspek na sa­kay ng kulay asul na Mitsu­bishi Lancer kung saan iki­nadena pa siya sa motor­siklo gamit ang kadena ng aso.

Samantala, sa pakiki­pag-usap naman ni P/Senior Insp. George Ylanan, sa pa­ngulo ng karibal na relihiyon ng dalawa, na gawa-gawa la­mang ng mag-asawa ang kidnapping.

Nabatid din na maa­aring manirahan ang mga lider ng nasabing rehiyon sa New Zealand sakaling may pagbabanta sa kani­lang buhay.

Umaasa naman si Leo­nardo na mapapalaya ang kanyang asawa dahil hini­hintay na sila sa New Zea­land.

Gayon pa man, pansa­mantalang hindi muna tinu­koy ang mga kidnaper ha­bang patuloy ang ope­rasyon ng mga awtoridad laban sa grupo. Joy Cantos

BARANGAY LA

CAMP CRAME

CEBU

CEBU CITY

DIPOLOG CITY

GEORGE YLANAN

INTERNATIONAL MIS

JOY CANTOS

JUDITH JASTIVA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with