2 Abu utas sa Marines

Dalawang bandidong Abu Sayyaf na pinaniniwa­laang kumidnap sa tatlong titser ang iniulat na napas­lang makaraang makasa­gupa ng tropa ng Philippine Marines na nakadiskubre sa pinagtataguan ng mga bihag sa liblib na bahagi sa ba­yan ng Akbar, Basilan kahapon ng madaling-araw.

Gayon pa man, bigo ang mga sundalo na masa­gip ang tatlong titser na ki­nidnap ng nasabing grupo.

Kasalukuyan pang ina­alam ng militar ang pagka­kilanlan  ng dalawang na­pa­tay na kidnaper na kabi­lang sa grupong pinamu­mu­nuan ni Kumander Mun­tong.

Sa ulat ni 1st Marine Brigade Commander Brig. Gen. Rustico Guerrero, lu­mi­li­taw na ginagalugad ng tropa ng militar ang masu­kal at ma­ gubat na bahagi ng bayan ng Akbar nang maka­sagupa ang grupo ng mga kidnaper.

Ayon sa ulat, narekober sa pinangyarihan ng sagu­paan, ang bangkay ng da­lawang kidnaper, dalawang M1 garand rifles, limang rifle grenade, 10 clips at 42-bala para sa M1 garand rifle.

Kabilang sa tatlong bi­hag na guro na naitakas ng mga bandido ay sina Ra­fael Ma­yonada, Quizon Freires at Jeannette de los Reyes na pawang kinidnap sa kara­gatan ng Manica­han sa Brgy. Sacol, Zam­boanga City noong Enero 23.

Matatandaan na humi­ngi ng P6 milyong ransom ang mga kidnaper kapalit ng pagpapalaya sa tatlong bi­hag.

Wala namang naiulat na nasugatan sa panig ng Phil. Marines habang pa­tuloy ang search and rescue operations para ma­sagip ang mga bihag. (Joy Cantos)

Show comments