Bumagsak sa pinagsanib na puwersa ng militar at pu lisya ang isang pinaghihinalaang lider ng mga rebeldeng New People’s Army na nakabase sa Central Visayas sa operasyon sa Cebu kamakalawa.
Kinilala ni Armed Forces of the Philippines-Central Command Spokesman Major Christopher Tampus ang suspek na si Ramon Patriarca alias Ka Willy, Deputy Secretary General ng Central Visayas Committee ng Communist Party of the Philippines at NPA.
Si Patriarca ay may nakabinbing warrant of arrest dahil sa mga kasong pagpatay at rebelyon na ipinalabas ni Danao City Regional Trial Court (RTC) Branch 25 Judge Nemesio Evito.
Sa tala ng militar, si Patriarca na siya ring tumatayong Finance at Taxation Bureau head ng NPA sa Central Visayas ay naaresto sa Brgy Casilo, Con selacion, Cebu bandang alas-5:30 ng hapon. (Joy Cantos)