Seaman todas sa hitchhiker

BAGABAG, Nueva Viz­caya – Isang seaman ang agad na binawian ng buhay matapos walang awang pagsasaksakin ng isang lalaki na kanyang isinakay sa provincial road ng ba­ yang ito kamakalawa ng umaga.

Ayon kay PS/Insp. Ma­ciste Extor Serrano, hepe ng Bagabag Police station, ang biktima na nagtamo ng 18 saksak sa katawan ay naki­lalang si Mario Bared, 62, seaman at resi­dente ng Ba­rangay Murong sa bayang ito habang ang sus­pek ay nakilalang si Lope Sanchez Jr., 32, ng Ba­rangay Mabini, Malunay, Quezon.

Ayon sa ulat, dakong alas 8:30 ng umaga kamakala­wa, papauwi ang biktima ga­mit ang isang tricycle nang makita ang suspek sa daan kaya nagmagandang loob ito na isakay si Sanches.

Subalit pagdating sa isang bakanteng lugar pa­tungong Barangay Murong na tinitirhan ng biktima nang bigla na lamang siyang pagsasaksakin ng suspek ng 18-beses sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan na agad nitong ikinamatay.

Agad naman na nasukol ng mga residente sa pangu­nguna ng mga Bantay Ba­yan ang suspek at agad na dinala sa himpilan ng pu­lisya.

Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga na ng mga awtoridad ang suspek ha­bang inaalam pa kung ano ang motibo nito sa krimen na kanyang ginawa.

Show comments