4 minero minasaker ng MILF

ZAMBOANGA – Apat na minero ang iniulat na pi­naslang makaraang pag­ba­barilin at pagtatagain ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front sa liblib na bahagi ng Sibuco.

Ayon kay P/Senior Supt. Mario Yanga, hepe ng pu­lisya sa Zamboanga City, na­ganap ang insi­dente noong Mi­yerkules at nadis­kubre la­mang ito matapos na maka­hingi ng tulong at ma­kapag-re­port sa pulisya ang isa sa mga minero na si Mark Endino.

Sinabi ni Endino sa pu­lis­ya na nagmimina sila nang maganap ang pama­maslang sa nabanggit na bayan.

Napag-alamang ibinaon ang apat na biktima sa mala­lim na hukay kaya agad na narekober ang mga bangkay nito.

Gayon pa man, pi­na­nini­walaang pinagku­ku­taan ng may 12,000 re­beldeng MILF ang na­banggit na bayan para maangkin.

Show comments