Magulang at kapatid tinodas ni mister

Batangas City Pina­niniwalaang nawala sa ta­mang pag-iisip ang isang 23-anyos na mister nang pagsa­saksakin niya ang kanyang mga magulang at mga kapa­tid bago siya nag­pakamatay sa San Pascual, Batangas kaha­pon ng madaling-araw.

Ayon kay Senior Superintendent Jesus Gatcha­lian, Batangas police director, gamit ang isang kitchen knife, tinadtad ng saksak ni Uriel Malabanan ang kan­yang 50-anyos na inang si Rosa at ang step-father na si Diego Dimaunahan, 60 habang mahimbing na na­tutulog sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Palasa­hingin ban­dang alas-4:00 ng umaga.

Kasunod nito, binali­ngan naman ni Uriel ang kanyang mga kapatid na sina Angelo, 16 at ang half-sister nitong si Desiree Dimaunahan, 9 na kasalu­kuyang ginagamot sa Bauan Doctors Hospital.

Ilang saglit pa, nagawa na­mang magpakamatay ni Uriel sa pamamagitan ng pagsaksak sa kanyang sarili.

Napag-alaman sa gina­wang imbestigasyon ng mga awtoridad na posib­leng na­wala sa katinuan si Uriel ma­tapos hiwalayan ng kanyang asawa at hindi ito matanggap sa inaapla­yang trabaho sa Saudi Arabia.

“Mukhang hindi na niya kinaya ang patung-patong na problema kaya siguro naba­liw na siya at pinag-initan na ang mga kaanak,” anang imbestigador ng kaso.

Show comments