^

Probinsiya

Mag-anak niratrat, patay

-

Tatlong miyembro ng isang pamilya ang nasawi habang dalawa pa ang na­sugatan nang pagbabarilin ng 14 armadong kalala­ki­han sa Prosperidad, Agu­san del Sur nitong Biyernes ng umaga.

Kinilala ang mga nasa­wing biktima na sina En­berto Tequin, 54-anyos; Mi­sis nitong si Loreta, 42- anyos; at tatlong taong gulang na anak nitong si Jobert.

Ang mga nasugatan na nakilala namang sina Jane Maambong at isang alyas Balug Binamban ay isinu­god na sa DO Plaza Memorial Medical Center para malapatan ng lu­ nas.

Pinaslang ang mga biktima sa loob ng tahanan ng pamilya Tequin sa Purok 4, Brgy. La Purisima, Pros­peridad dakong alas-8:00 ng umaga.

Ayon sa imbestigasyon, bigla na lamang sumulpot sa lugar ang mga salarin na armado ng M 16 rifles at agad na pinagbabaril ang tahanan ng pamilya.

Sa inisyal na imbesti­gasyon, sinabi ni PO3 Ana Rose Lala ng Prosperidad Municipal Police Station na natukoy na nila ang lima sa mga suspek matapos ma­kilala ng mga kapitbahay ng mga biktima pero hindi muna maaring ihayag ang pagkakakilanlan dahil baka mabulilyaso ang kanilang dragnet operation. (Joy Cantos)

vuukle comment

ANA ROSE LALA

BALUG BINAMBAN

JANE MAAMBONG

JOY CANTOS

LA PURISIMA

PLAZA MEMORIAL MEDICAL CENTER

PROSPERIDAD MUNICIPAL POLICE STATION

SHY

TEQUIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with