Giyera vs illegal logging idineklara

ILAGAN, Isabela – Tuluyan nang nagdeklara ng all-out war ang pamu­nuan ng Simbahang Ka­toliko sa Isabela laban sa lumalalang operasyon ng illegal logging makaraang makakuha ng basbas mula sa pamunuan ng Department of Environment and Natural Resources.

Sa pastoral letter na ipinalabas ni Ilagan Bi­shop Joseph Nacua, na kinakailangang gumawa na ng mga kaukulang hakbang upang pahintuin ang mga illegal loggers at bilang suporta sa inum­pisahang laban ni  Gov. Grace Padaca na tugisin at ikulong ang mga respon­sable at sa pagkalbo sa mga kagubatan ng Isabela.

Lalong lumakas  ang puwersa ng Simbahang Katoliko sa pagsawata sa mga illegal loggers mata­pos personal na ideputized ng DENR ang ilang pinuno ng simbahan upang ma­ging ahente ng ahensya ng gobyerno.

Kabilang sa mga iti­nalaga ng DENR bilang ahente ay sina Fr. Antonio Ancheta, pinuno ng diocesan social action center; Fr. John Couvreur, chairman ng ecology desk ng Ilagan diocesan social action center at iba pang pari sa Cauayan City, mga ba­yan ng Jones, San Agus­tin, San Guillermo, Benito So­liven, San Ma­riano, Pala­nan at ang ba­yan ng Ilagan.

Inaasahan na sa pag­sanib puwersa ng lokal na pamahalaan at ng Simba­hang Katoliko ay mababa­wasan o hindi kaya ay ma­hinto na ang illegal logging sa Isabela.Victor Martin

Show comments