Libanan nagtrabaho sa Mactan

Upang patunayan ang kanyang “hands-on style” ng management, nagtu­ngo ang ilang opisyal ng Bureau of Immigration sa pangunguna ni Commissioner Marcelino Libanan sa Mactan-Cebu International Airport upang personal na patakbuhin ang im­migration arrival coun­ters doon.

Pinangunahan nina Libanan at BI-Ninoy Aquino International Airport Chief Supervisor Fer­dinand Sampol ang iba pang opisyal sa personal na pagsilip sa operasyon ng dumarating na turista sa Filipino express lane ng MCIA para sa Silkair flight MI 542.

“Manning primary inspection counters at the country’s ports of entry lets us work side-by-side with immigration officers. This also gives us a better opportunity to be face-to-face with the people we serve, while reminding officers of the BI to lead by example,” wika ni Libanan.

Idinag­dag ni Libanan na puwede nang ikabit ang Cebu sa na­ sabing sistema sa Peb­rero o sa unang yug­to ng taon depende kung gaano ka­bilis ang pag­bili ng kaila­ngang gamit.

Pinuri naman ni Liba­nan ang Inter­national Organization for Migration at ang Australian government. (Butch Quejada)

Show comments