Pasugalan sa Romblon lantaran

ROMBLON – Pinasisibak sa tungkulin ng ilang non-government organization sa  Romblon ang isang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH)  dahil sa sinasabing pagkakasangkot nito sa operasyon ng illegal na pasugalan.

Ayon sa ilang civic at religious group, lantaran ang operas­yon ng sugal na loteng sa 17 bayan sa Romblon na pinanga­ngasiwaan ng isang alyas “Dodo loteng,” na sinasabing opisyal ng lokal na sangay ng DPWH  at ang tumatayong hepe ng kubrador ay isang alyas “Sanet”.

Kabilang sa bayan na may malaking koleksyon ng sugal na loteng ay ang bayan ng Odiongan dahil sa sinasabing may regular protection money lang opisyal ng lokal na pamahalaan para maging tuluy-tuloy ang operasyon ng nasabing pasugalan.

Pinaniniwalaan din na may basbas ng ilang opisyal ng pu­­lisya particular na provincial police office ang operasyon ng loteng dahil sa lingguhang payola ng mga tiwaling police official.

Naiparating na ang reklamo ng mga residente kay Romblon Governor Natalio Beltran Jr. at DPWH Secretary Hermogenes Ebdane para aksyunan ang nasabing isyu.

Show comments