LINGAYEN, Pangasinan – Lima-katao ang iniulat na nasawi sa naganap na magkakahiwalay na sakuna kamalawala ng gabi sa Dagupan City, Pangasinan.
Base sa police report, ang mga biktimang sina Victoriano Nejal at Rufino Osian na kapwa naninirahan sa Brgy. Banaoang, Sta. Barbara, ay namatay matapos masalpok ang kanilang traysikel ng Isuzu truck na minamanehgo ni Christopher de Guzman sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Maningding.
Samantala, bandang alas-9 ng gabi nang karitin ni kamatayan sina Dioniso Tamondong at Marlon Mendoza na kapwa naninirahan sa Brgy. Manzon, San Carlos City matapos masalpok ang kanilang traysikel ng ‘di-pa nabatid na sasakyan sa kahabaan ng Mac Arthur Highway sa Bonuan Boquig, Dagupan City.
Kasunod nito, dalawang oras pa lamang ang nakalipas ay sinalubong naman ni kamatayan si Lolita Mayuga, 65, ng Brgy. Palapad, San Fabian, matapos mabangga ang sinasakyang traysikel ng kasalubong na motorsiklo sa Sitio Taculit, Brgy. Angio sa bayan ng San Fabian. Kritikal naman sa ospital ang kasamahan ni Lolita na sina Lauro Toquero, 68; at Nida Mayuga, 42. Eva Visperas at Joy Cantos