Bata patay sa longganisa
NUEVA ECIJA – Naging mitsa ng buhay ng isang 7-anyos na lalaki ang pagtikim nito ng longganisa na school project ng kaniyang nakatatandang utol na babae sa Barangay Maligaya sa bayan ng Sto. Domingo, Nueva Ecija noong Lunes.
Kinilala ni P/Senior Supt. Ricardo Marquez, officer-in-charge ng Nueva Ecija PNP, ang nasawi na si Joevan Ganado, grade 1 pupil; habang isinugod naman sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Hospital Extension ang kanyang dalawang utol na sina Michelle Ganado, 16; 4th year high school; at Karen Joy, 9, grade 3 pupil.
Nabatid na ang longganisa ay school project ni Novelyn Ganado, 15, at 3rd year sa Sto. Domingo National Trade School, sa Brgy. Baloc, na kanyang iniuwi at iniluto para pagsaluhan sa hapunan.
Gayon pa man, makaraan ang ilang oras ay nahilo at na hirapang huminga ang magkakapatid kaya isinugod ang mga ito sa nasabing ospital.
Hindi naman kinaya ni Joevan ang lason sa kata wan at dahil sa matinding sakit ng tiyan ay namatay habang ginagamot.
Pinaiimbestigahan na ni Antonio Castro, principal ng paaralan, ang insidente na kauna-unahang food poisoning sa kanilang paaralan at umaasa silang hindi na muling mauulit.
Nabatid na ang longganisa project ay isinagawa sa Technical Vocational Education subject sa ilalim ni Marlina Hilario.
May teorya ang pulisya na hindi gaanong nabantayan ng guro ang kanyang mga mag-aaral sa pagproseso ng longganisa. Christian Ryan Sta. Ana
- Latest
- Trending