Census sa ibon

MALOLOS CITY – Muling magsasagawa ng census sa mga migratory birds sa Candaba Swamp ang mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources ngayong Sabado bilang bahagi ng pagpapa­natiling bird flu- free ang bansa.   

Ayon kay Michael Lu, pangulo ng Wild Birds’ Club na katulong sa pagsasagawa ng pagbilang sa mga ibon, layunin na matukoy kung nababawasan o nadadagdagan ang bilang ng mga migratory birds na namamalagi sa Candaba Swamp bawat taon. (Dino Balabo)

Show comments