^

Probinsiya

3 International Red Cross workers kinidnap

- Joy Cantos -

Kinidnap ng mga arma­dong kalalakihan na sina­sabing miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group ang tatlong volunteer ng International Committee of the Red Cross (ICRC) sa bayan ng Patikul,  Sulu no­ong Huwebes ng tanghali.

Kabilang sa mga bikti­mang dinukot sa bisinidad ng Sulu Museum ay sina Andreas Notter, Swiss national; Eugenio Vagni, Italian national at ang Pinay na si Jean Lacaba.

Napag-alamang si Notter ay pinuno ng ICRC na naka­base sa Zamboanga City na nagsasagawa ng humani­tarian mission.

Base sa ulat ng Task Force Comet na pinamu­mu­nuan ni Major Gen. Juancho Sabban, naitala ang insi­dente dakong alas-11:30 ng tanghali sa bisinidad ng Sulu Museum.

Sa inisyal na imbestigas­yon, ang mga biktima ay lulan ng behikulo  ng Philippine National Red Cross (PNRC) nang harangin ng mga armadong kalalakihan.

Narekober naman sa follow up operations  ng Joint Task Force Comet operatives ang inabandonang sa­sakyan ng PNRC sa bayan ng Patikul.

Ang tatlo ay nagtungo sa Sulu noong Enero 13 para bumisita sa humanitarian activities at dapat ay pabalik na sa Zamboanga City ka­hapon pero nabigong maka­sakay sa kanilang flight.

Ayon sa ulat, huling na­mataan ang mga kidnaper patungo sa direksyon ng Bud Pula na kilalang bal­warte ng grupo nina Abu Say­yaf Commanders Al­bader Parad at Doc Abu Pula na kapwa notoryus sa kidnap-for-ransom gang.

ABU SAY

ABU SAYYAF GROUP

ANDREAS NOTTER

BUD PULA

COMMANDERS AL

DOC ABU PULA

EUGENIO VAGNI

SHY

SULU MUSEUM

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with