^

Probinsiya

4 tiklo sa drug buy-bust

-

LEGAZPI CITY, Albay – Kalaboso ang binagsakan ng apat na ka­lalakihan makaraang masakote ng mga tauhan ng Phil Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang drug buy-bust operation kamakalawa ng gabi sa Barangay Bibingkahan, East District, Sorsogon City, Sorsogon. Ang mga suspek na nakumpis­kahan ng 10 sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana at mark money na ginamt sa buy-bust ay nakilalang sina Benedict Barredo, 22, ng Magallanes Sorsogon; Jed Flestado, 22, ng 2nd Road OLV; Dax Detera, 21, ng Balogo, Sorsogon City at si Joel Decano, 22, ng Central Magallanes Sorsogon. Ayon sa ulat, ang mga suspek ay nasakote sa bahay na sinasabing pag-aari ni Rachel Lopez. Ed Casulla

Misis todas sa pulis

Nauwi sa trahedya ang pakikipagtalo ng isang  27-anyos na misis laban sa isang pulis makaraang tamaan ng bala ng baril sa gitna ng komosyon sa loob ng boarding house sa Luna Extension, Digos City, Davao del Sur kamakalawa. Hindi na umabot ng buhay sa Sunga Hospital sa Digos City, ang biktimang si Emily Sancover, samantalang nahaharap naman sa kasong kriminal ang suspek na si PO1 Rey Mendez. Batay sa police report na na­karating sa Camp Crame, narinig ng mga boarder ang pag-aaway nina Sancover at Mendez sa loob ng tinutuluyan nilang boarding house. Sa gitna nang matinding galit ay tinangka ng biktima na agawin ang baril ng suspek na sa pagpapambuno ay aksidenteng pumutok at tumama sa dibdib ng misis. Joy Cantos

Barangay chairman itinumba

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Isa na namang barangay chairman ang iniulat na napaslang makaraang pinagbabaril ng tatlong di-pa kilalang kalalakihan sa loob ng palengke sa bayan ng Cabarroguis, Quirino, ayon sa ulat ng pulisya kahapon. Nakilala ang biktima na si Chairman Robert Valderamos, 38, ng Barangay Sinait, Ca­bar­roguis. Samantalang nadamay naman si Jocelyn Malubay, meat vendor, na nasawi rin matapos tamaan ng ligaw na bala sa dibdib. Napag-alamang namimili ang biktima sa loob ng palengke sa Barangay Luna nang lapitan at ratratin. Sa talaan ng pulisya, si Valderamos ang ika-15 opisyal ng ba­rangay na pinaslang sa nakalipas na dalawang taon sa Cagayan Valley region.Victor Martin

3 pulis nakialam sa kaso, inaresto

BULACAN – Tatlong alagad ng batas kabilang ang isang retiradong pulis ang inaresto ng kanilang kabaro makaraang makialam at tangkang arburin ang dalawang suspek sa kasong estafa sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan. Pormal na kinasuhan ni P/Supt. Edwin Quilates, ang mga suspek na sina ex-SPO4 Benito Palacio, 58; PO2 Edgardo Ramos Palacio, 38; at si PO2 Jeoffrey Apacible Masangkay, 33. Napag-alamang iniimbestigahan ni P/Inspector Jose De Guzman, ang mga suspek na sina Ferdie at Ruby Rosario nang dumating sa presinto ang tatlong suspek at nag­pakilalang kaanak nina Rosario. Tinangkang pigilan ng mga suspek ang imbestigasyon at sinasabing naghamon pa ng barilan sa mga pulis sa presinto kaya huminggi ng tulong si P/nsp. De Guzman sa 305th Provincial Mobile Group ni P/Supt. Manuel Lukban at inaresto ang tatlo. Ayon sa police report, umaabot na 15-negosyante ang dumulog sa himpilan ng pulisya para ireklamo ang mga suspek na sina Architect Rolando Mariano at Engr. Jeanneth Mariano sa kasong estafa na nagkakahalaga ng P2-milyon. Dino Balabo

ARCHITECT ROLANDO MARIANO

AYON

BARANGAY BIBINGKAHAN

BARANGAY LUNA

BARANGAY SINAIT

BENEDICT BARREDO

DIGOS CITY

SORSOGON CITY

SUSPEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with